Pinoy Driver Menu

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan: Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:

  • A. Babala ng sangandaan

  • B. Istasyon ng first aid

  • C. Babala ng daang tren

  •  
    The correct answer is A
     
    Ito ay simbolo ng babala na may sangangdaan sa unahan ng daan.
     
 
 
 

Pagmamaneho ng ligtas sa basang kalsada

 

Siguraduhin na may sapat na agwat ng pagsunod kapag nagmamaneho lalo na sa basang kalsada. Ito ay para masiguro na may sapat kang distansya para huminto at maiwasan na mabangga ang sasakyan na nasa iyong harapan kung sakali na bigla itong pumreno. Maraming bansa ang gumagamit ng 2-segundo na patakaran sa pagitan ng punto na dinaan ng sasakyan sa harap mo hanggang sa maabot mo ito. Kung basa ang kalsada, mainam na doblehin ang distansyang ito. Gamitin ang 4 na segundong patakaran sa halip na 2 segundo kung basa ang kalsada. Kung mabigat ang sasakyan na minamaneho mo mas maganda na dagdagan mo pa ang distansyang ito.

Kung nagmaneho ka sa baha, kilangan mong tandaan na ang preno mo ay maaaring humina dahil sa pagkabasa, at dapat mo itong tuyuin kaagad sa pamamagitan ng pag tapak dito ng bahagya habang ikaw ay nagmamaneho. Gawin mo ito ng ilang segundo hanggang sa mapansin mo na gumaganda na ulit ang kapit ng preno. Ang pagkikiskisan at init ay tumutulong upang matuyo ang preno.

Kung ikaw ay nagmomotorsiklo, tandaan mo na ang mga pinta sa daan at ang mga takip ng manhole ay madulas, at ang langis at dumi dito ay magpapahaba ng distansya ng iyong paghinto. Gamitin ang preno ng dahan-dahan. Kung posible, gamitin ang kambyo para ikaw ay bumagal.