Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
-
A. Matarik ang pababang direksyon ng kalsada
-
-
C. Matarik ang paakyat ng direksyon ng kalsada
-
The correct answer is C
Ang simbolo na ito ay indikasyon na may papaakyat na kalsada sa unahan ng daan.
Mga pagsubok at mga payo sa pagmamaneho sa matarik at paakyat na kalsada
Paakyat
Asahan ang mga sumusunod kung nagmamaneho ng paakyat.
- Mas mabagal ang iyong pagtulin
- Kung maramdaman mo na nahihirapan ang makina, siguraduhin mo na nasa tama ang iyong kambyo, at patayin ang iyong aircon para sa karagdagang puwersa.
- Asahan na aatras ang sasakyan kung patatakbuhin mo ito galing sa hinto. Para maiwasan nag pag gulong nito paatras, lalo na kung matarik ang kalsada at manual na sasakyan ang iyong gamit, hatakin mo ang iyong handbrake habang tinitimpla ang clutch at ang silinyador, tapos ay ibaba ang handbrake kapag naramdaman mo na sapat na ang puwersa ng sasakyan para makaabante.
- Sa mga matatalas na pagliko paakyat, ang mga rear-wheel drive na sasakyan ay maaaring makaranas ng wheelspin sa loob na gulong kapag ang bigat ay lumipat na sa gulong sa labas.
Pababa
Asahan ang mga sumusunod kung nagmamaneho ng pababa.
- Mabilis ang iyong pagtulin
- Mas mahaba ang oras na ikaw ay makahinto
- Ang engine brake ay maaaring magapi ng grabidad, kung automatic ang minamaneho mo ito ay maaaring mas bumilis pa (liban na lang kung nilagay mo ang kambyo sa mas mababang numero).
- Mas mahina ang engine brake kapag tinanggal mo ang tapak sa silinyador
- Ang mga gulong mo sa harap ay kukuha ng mas madiin na pwersa kapag ikaw ay pumreno, lalo na kapag lumiliko ka habang nagpepreno.
- Magingat sa brake fade na delikado sa mga mahahabang kalsada na pababa. Ito ang sitwasyon kung saan ang preno mo ay iinit ng labis. Para maiwasan ito, magbaba ng kambyo ng isa o dalawa, at hayaan mo na pasanin ng makina ang pagpreno.
Sa mga kanto ng pababang kalsada, pumreno ng maaga para tama lang ang iyong tulin.